May Masabi Lang Bakit mo ‘to binabasa? Wala ka rin sigurong magawa. Hindi tayo nagkakalayo, marami akong naiisip pero tila wala namang lumalabas na mahusay mula sa isip ko. Marami akong dapat gawin pero wala akong masimulan. May masimulan man, wala namang matapus-tapos. Marahil dala ito ng mga samu’t saring laman ng isip ko ngayon. Db? Wala namang sense yung mga pinagsasasabi ko. Siguro nga lilipat ka na lang ng ibang browser maiwasan lang tong kabaliwan ko. Pero teka, subukan mong tapusin, baka may mapulot ka ring makabuluhan mula sa akin. Db, hindi naman lahat ng bagay kailangan magkaroon ng dahilan para maging makabuluhan? Simple lang. Type ako ng type ngayon, walang kahulugan pero para sakin, makabuluhan to. Ang laking tulong nito para maibsan yung mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Tulad mo, basa ka nang basa, wala ka namang napupulot, pero db kahit papano napasaya kita? Di na mahalaga kung natatawa ka sakin o natutuwa, ang alam ko lang, napangiti kita ngayon. Db? Minsan, hindi natin kailangang seryosohin ang mga bagay-bagay para lang maging kuntento. Minsan, masaya tayo, ni hindi natin alam kung bakit. Basta masaya lang tayo, wala nang pakielamanan. Simple lang ulit, masaya tayo kasi masaya tayo. Yun lang. Masaya ako. Marahil dahil sa maraming magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam, basta ang alam ko, masaya ako. Sana ikaw din.
May Masabi Lang
Bakit mo ‘to binabasa? Wala ka rin sigurong magawa. Hindi tayo nagkakalayo, marami akong naiisip pero tila wala namang lumalabas na mahusay mula sa isip ko. Marami akong dapat gawin pero wala akong masimulan. May masimulan man, wala namang matapus-tapos. Marahil dala ito ng mga samu’t saring laman ng isip ko ngayon. Db? Wala namang sense yung mga pinagsasasabi ko. Siguro nga lilipat ka na lang ng ibang browser maiwasan lang tong kabaliwan ko. Pero teka, subukan mong tapusin, baka may mapulot ka ring makabuluhan mula sa akin. Db, hindi naman lahat ng bagay kailangan magkaroon ng dahilan para maging makabuluhan? Simple lang. Type ako ng type ngayon, walang kahulugan pero para sakin, makabuluhan to. Ang laking tulong nito para maibsan yung mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Tulad mo, basa ka nang basa, wala ka namang napupulot, pero db kahit papano napasaya kita? Di na mahalaga kung natatawa ka sakin o natutuwa, ang alam ko lang, napangiti kita ngayon. Db? Minsan, hindi natin kailangang seryosohin ang mga bagay-bagay para lang maging kuntento. Minsan, masaya tayo, ni hindi natin alam kung bakit. Basta masaya lang tayo, wala nang pakielamanan. Simple lang ulit, masaya tayo kasi masaya tayo. Yun lang. Masaya ako. Marahil dahil sa maraming magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam, basta ang alam ko, masaya ako. Sana ikaw din.
